Tags
This particular entry is recently published in https://www.facebook.com/MsobBookAnthology?fref=ts and http://www.goodreads.com/book/show/16139895-michael-s-shade-of-blue-anthology
Thank you. ^_^
14 Saturday Jul 2012
Posted in Notes, Short Story
Tags
This particular entry is recently published in https://www.facebook.com/MsobBookAnthology?fref=ts and http://www.goodreads.com/book/show/16139895-michael-s-shade-of-blue-anthology
Thank you. ^_^
13 Tuesday Sep 2011
Posted in Short Story
Minsan isang gabi nang matapos ang aking trabaho ay napagpasyahan ko munang mamasyal. Isang bagay na madalang ko nang magawa simula nang maging regular ako sa aming kompanya. Simula nang ako’y kumita nang pera, linggo-linggo ay laman ako nang mga mall at mga bar. At kahit pa ang pera’ng aking sinusweldo ay para lamang sa aking sarili, napag-isipan ko na din namang huminto muna sa patuloy na paggastos.
Ngunit ang pamamasyal kong ito ay maiiba sa aking karaniwang ginagawa. Ngayon ay sa luneta ko napiling pumunta. Libre at hindi ko kailangang maglabas nang pera, maliban na lamang sa mga manlilimos sa akin sa daan. Maganda sa gabi ang paligid, siguro ay dahil naiiwasan mo’ng makita ang mga bagay na hindi kaaya-aya sa umaga. Ang mga kahel na ilaw naman sa paligid ay tila ba nagbibigay nang kanilang pakikiramay sa lungkot na hindi ko naman malaman kung saan nanggagaling.
Sa kalalakad ko ay dinala ako nang aking mga paa sa Baywalk. Mukhang malayo kung titingnan ngunit ni hindi ako nakaramdam nang pagod sa haba nang aking nilakad.
Umupo ako sa mga nagkalat na sementong upuan sa tapat nang Manila Bay at naisipan ko munang magpahinga. Kahit pa hindi ako nakaramdam nang pagod ay alam ko’ng kakailanganin ko din naman ito.
Kinuha ko mula sa aking dalang bag ang bagong bili kong walkman mula sa nakaraan kong sweldo. Pinihit ito at nakinig sa ibat-ibang stasyon. Malalim na ang gabi nang maisip kong tumungo na pauwi. Hindi pa ako nakaaalis sa aking kinauupuan nang may kumuha nang aking atensyon.
“Pssst…uuwi ka na ba?”
Nilingon ko ang tinig na alam kong pagaari nang isang babae.
“Huh?…”
Ang sabi ko. Nakita ko itong tumabi sa akin at nagsabing…
“Uuwi ka na?…huwag muna…”
Napaupo tuloy akong muli. Mga ilang segundo din naka-bibingi ang aming katahimikan. Hindi ko pa nakikita nang mabutihan ang kanyang mukha dahil na rin siguro sa dilim at dahil nahihiya din akong humarap sa kanya. Kita ko sa gilid nang aking mga mata na nakatingin sya sa akin. At sya na mismo ang naunang magingay.
“Saan tayo?…”
Tanong nang babae sa akin. Nagulat naman ako sa kanyang tinuwiran at dineretso ko na din ang tingin sa kanya.
“Ah, e’…hindi naman ako nag-hahanap nang aliw…”
Matapos kong sabihin sa kanya ito ay marahan nya lamang akong tiningnan. Ilang segundo din kaming ganito. At sabay kaming tumawa nang malakas.
“Hahaha!”
“Hahaha!!”
At tumigil din nang sabay.
“O’ bakit ka tumawa?…gaya-gaya ka a’…”
Tanong nya sa akin.
“E’ tumawa ka kaya…”
“Hmm…”
Ang tangi nya lamang naisagot, na hindi pa ako sigurado kung nagtatanong ba ito o para lang mayroon syang masabi.
“O’ sige uuna na ako…”
Alam ko namang hindi ito ang gusto kong sabihin ngunit ito ang lumabas sa aking bibig.
“Okay…”
Sagot nya.
Inaakala ko namang pipigilan nya ako ngunit hindi ko iyon inasahan. Kung titingnan syang maigi, hindi mo aakalaing nagbebenta ito nang aliw. At kung hindi din ganoon ang binati nya sa akin, malamang ay napag-kamalan ko din itong namamasyal lamang katulad nang ginagawa ko ngayon. At kapag inaayusan lamang sya nang mabuti ay malalampasan nya ang ganda nang aking mga kaopisina.
“Ah’ teka…pwede ka bang makausap lang…kahit sandali?…”
Pahabol ko na lamang dito.
“Oo’ naman, may lang ka pa…alam kong alam mo ang trabaho ko pero, pasensya ka na at hindi kita type…”
Pareho kaming natigilan sa kanyang sinabi at…
“At ayun nga…ikaw lang e’…uuwi ka na agad kamo…”
Pahabol nya. Siguro ay pambawi na din sa pagpapahiyaa nya sa akin. Ngumiti ako sa kanya .Patuloy ang aming kwentuhan na hindi ko naman namalayan na dalawang oras na pala ang lumilipas at lumipas na ang hating gabi. Isa daw syang sales lady sa umaga. Lumuwas sya nang maynila mula sa kanilang probinsya dahil sa kahirapan. At dahil sa napakaganda nang pangakong naririnig nya tungkol sa syudad ay hindi na sya nagdalawang isip na subukan ang kapalaran nya dito.
Labing-isang taong gulang daw sya ng mapadpad dito at sumakay lamang sa isang jeep nang mga prutas na papuntang maynila. Ngayon ay labingsyam na taon na ito, isang taon ang tanda ko sa kanya.
Inaamin nyang hindi nya talaga gusto ang kanyang trabaho sa gabi. Ngunit wala syang ibang magagawa dahil hindi rin naman daw sya nakapagtapos nang kanyang pag-aaral. Lumipas pa ang mga araw at nag-patuloy ang ganito naming gawain. Matapos ang aking trabaho ay sa mismong upuan kung saan kami unang nagkita sa tapat ng manila bay ako dumideretso. At bawat araw na nakikita ko ito ay lalo syang gumaganda. Naikwento nya din minsan sa akin na balak nya na daw itigil ang trabaho nya sa gabi na akin naman talagang ikinatuwa.
Bago pa daw kami unang magkita ay ilang araw na ang nakalilipas nang simulan nyang itigil ang gawain.
Naramdaman ko na lamang na palaging sya ang aking hinahanap sa araw-araw at tila ba lagi kong inaasahan ang aming madalas na pagkikita. Bago ako pumunta sa aming usapan ay dumaan muna ako sa isang tindahan nang damit at ibinili ko sya nang bistidang kulay asul na tingin ko naman ay talagang babagay sa kanya. Matapos ko itong bilhin ay agad na akong nagtungo sa lugar kung saan kami madalas magkita.
Ang maliit na tindahan nang isang matanda na tinuturing nya nang ina ang nagsilbing tagapaghatid namin nang mensahe sa isat-isa kung sakaling may mahuli sa aming usapan. At dahil doon din naman kami magkikita ay tinungo ko na agad si lola. Namataan ko itong nasa labas nang kanyang maliit na tindahan at tila ba nakayuko.
“Nay…kamusta na po kayo?…”
Tanong ko sa kanya.
“Ay oo’ nga po pala…para sa inyo po ito…”
Hindi na ako nahiya pa at kumuha na ako nang plato sa kanyang tindahan at mabilis na isinalin dito ang dala kong pagkain.
“Teka po…”
Sambit ko habang inaayos ang pagkain para sa matanda.
“Si Jenni po ba, dumating na?…”
Pahabol ko dito.
Hindi na umimik ang matanda. Matapos ang aking ginagawa ay mabilis ko nang nilapitan ang matanda na nakatalikod sa akin.
“’Nay?…”
Pagharap ko dito ay mabilis ngang tumutulo ang luha sa mga mata nito na sya naman din’g mabilis nyang pinapahid nang tuwalya sa kanyang balikat.
“O’ ano po ang nangyari?…bakit po kayo umiiyak?…”
Napansin ko din’g may bukol ito sa noo.
“Ano po ang nangyari dyan sa noo nyo nay!?…Bakit po kayo may bukol!?…”
Bahagyang napataas ang aking boses sa gulat dahil sa nakita sa kaawaawang kalagayan ng matanda. Humikbi-hikba muna ito bago nakasagot ng mabuti sa akin.
“Si Jenni kasi…si Jenni…patay na…kahapon.”
“Huh…teka po…biro lang ba yan ‘nay?…”
Nanghina ako ng marinig ko ito at tila ba gusto kong magwala. Ayokong maniwala. Dahil hindi ko alam ang aking gagawin kung totoo man ito. Patuloy naman sa pagluha ang matanda at tila ba lalo pang lumakas ang kaninang pigil na pagiyak.
“Nay! ano po ang nangyari kay Jenni! sabihin nyo na po…sabihin nyo po…ahuhuh…si Jenni…”
Unti-unting tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Hanggang sa mabilis ng umagos ang mga ito kasabay ng aking pagwawala. Hanggang sa mapahiga na ako sa lupa. Ang matanda naman ay inalalayan ako ng mabuti at patuloy ang pagtapik sa aking balikat.
Matapos daw ang trabaho ni Jenni kahapon bilang saleslady ay agad na itong dumaan sa matanda upang tulungan ito sa pagtitinda.
Nang mag-sara na sila nang tindahan ay siniguro muna ni Jenni na nakapasok na ang matanda bago ito tuluyang umalis. Ngunit hindi pa daw nakakalayo si Jenni nang marinig nang matanda na sumisigaw ito. Kaya dali-dali muli itong lumabas upang tingan kung ano ang nangyayari. At nakita daw nang matanda ang lalaking matagal nang nanggugulo sa babae na minsan nitong sinaktan dahil sa pamimilit sa isang bagay na labag sa kanyang kagustuhan. Nang makita ito nang matanda ay agad daw itong nagbalik sa kanyang tindahan upang makakuha ng ipang lalaban dito.
Dali-dali ay mabilis itong lumabas at agad na pinag-papalo sa likod ang lalaking nanggugulo. Tila ba hindi ito nasaktan at humarap sa matanda. Kinuhang agad nang lalaki ang hawak nyang dospordos at maswerte pa rin naman daw at bukol lamang ang kanyang tinamo. Ito din marahil ay dahil sa ginawang pagbato ni Jenni sa lalaki kaya iyon lamang ang natamo nang matanda.
Ang sumunod daw na pangyayari ay ikinagulat na nang matanda dahil nang muling harapin nang lalaki si Jenni ay agad nya itong sinaksak. Lagpas alas-dose na daw nang gabi nang mangyari iyon kaya wala na ring masyadong tao ang nakapansin at mahihingan nang tulong.
Naupo na lamang akong magdamag sa tapat nang dagat at pinagmasdan ang papalubog nang araw. Mahigpit kong kinapitan ang regalo sa napakaliit nitong lalagyan na dapat sanay ibibigay ko kay Jenni bago lumubog ang araw. Singsing kasama nang pagtatapat ko sa aking nararamdaman. Kinuha ko mula sa aking bag ang binili kong damit para sa kanya ngunit natigilan ako sa biglang iniabot nang matanda sa akin na kanina pa pala nasa aking likuran.
“Iniisip ko’ng palipasin muna ang iyong nararamdaman bago ko ito sa’yo ibigay ngunit alam kong mahal mo talaga sya at ang kanya lamang pagkaligtas ang iyong kasiyahan…”
Nilingon ko ito at iniabot nang matanda sa akin ang isang papel na tila kailangan kong buksan. Dahan-dahan ko itong binuksan at nang makita ko ang nilalaman ay unti-unti na namang tumulo ang mga luha sa paga ko nang mga mata. Sa pagkakataong ito ay lalo pa akong nangulila sa kanya.
“Bestfriend, walang iwanan ah’…”
“Oo naman, kaw pa. ‘di ba?…”
“Ang pumutol sa pangako! tutusukin nang pako!…”
“Ang pumutol sa pangako!! tutusukin nang pako!!…”
“Hahaha!”
“Hahaha!!”
Ang kalungkutang matagal ko nang dinadala, tila ba alam ko na ang kasagutan.
“Bestfriend!! hu-hu!…asan ka na!!?…hindi ka tumupad sa usapan natin!…same-same di ba?…pareho tayo sa lahat…sa pangarap at sabi ko paglaki ko pakakasalan kita!…Same-same di ba?…hmmp…”
Nagtataguan tayo noon. Hanggang sa maguwian na ang lahat, di ka pa din nagpapakita. Nakita namin ang tsinelas mo sa may tulay at inisip na lang ng lahat na patay ka na. Pero ako, hindi ako naniwala. Dahil alam kong tutupad ka sa pangako natin sa isat-isa.
Same-same di ba?
“Basta ako paglaki ko…pupunta ako nang maynila!…magpapayaman ako…”
“Hala…kasama ba ako bestfriend?…”
“Oo naman, kung nasaan ka e’ doon din ako.”
“Yes…yipee…habulin mo ko!…”
Mabuti kong pinagmasdan ang ibinigay sa akin nang matanda. Lumang litrato naming dalawa nung mga bata pa kami. Jenni ngayon na kilala ko bilang Jill noon. Mag-kaakbay at nakangiti at parehong masaya. Marahan kong binuklat ang papel at binasa ang naka-sulat dito.
“Tumupad ako sa pangako ko sa’yo. Siguro naman alam mo na kung sino ako dahil sa litrato. At isa pa, may gusto sana akong sabihin sayo…”
Pinagmasdan kong muli ang kanyang mukha sa aming litrato at matapos nito ay tiningnan ang likod nito.
“Mahal kita. Same-same ba?”
07 Wednesday Sep 2011
Posted in Short Story
Ilang sandali na rin akong nakadungaw sa mga kiti-kiti sa loob ng aming tapayan.
Sumisilip ako dito noon para panuorin ang pagkislot ng mga insekto, ngunit ginagawa ko na ito ngayon upang sumigaw. Pakiramdam ko kasi dati na lumalakas ang aking pakiramdam sa tuwing maririnig ko ang alingawngaw ng aking tinig na tila ba nagpapalakas ng aking loob. Sumasabay sa akin tulad ng isang maaasahang kakampi tulad ng isang matalik na kaibigan. Bagamat tinatakot ako ni Ina na baka sagutin ako ng tapayan ay patuloy ko pa rin itong ginagawa. Lalo na kung wala sya sa aming tahanan. Iniwan na rin kami ni Ama at ipinagpalit sa bago nitong pamilya kaya naman kami na lamang ni Ina ang magkasama.
Mayroon akong mga kaibigan na madalas ko ring kasamang maglaro sa kakahuyan sa dulong bahagi ng aming baranggay. Ilang beses ng ipinagbabawal sa amin ang pagpunta sa lugar na iyon ngunit hindi namin ito maiwasan. Sa lugar kasing iyon, matatayog ang mga puno, malawak ang damuhan at marami kaming pagtataguan sa tuwing maglalaro kami ng taguan. Sa lugar na yon kami malaya, lahat ng bagay na gusto namin ay aming nagagawa at walang magulang na sasaway sa ano mang nais naming gawin. Kahit pa ganito ay hindi ko pa rin maiwasan ang makadama ng kalungkutan. Pakiramdam ko kasi na madalas akong mapagtulungan, mapagkaisahan. Madalas kasi akong taya sa aming mga nilalaro.
Si Jose ang pinakamatanda sa amin, bagamat may kalakihan, siya ang pinakamahirap hanapin sa oras na kami ay magtataguan. Alam naman namin kung saan sya madalas magtago, bukod sa madami ang mga puno, ay hindi naman kami marunong umakyat dito upang sya ay hanapin.
Pangalawang beses ng kinukuha ni Jose ang ikaanim na baitang hindi dahil sa hindi ito makapasa ngunit sa kabilang baryo pa ang pinakamalapit na mataas na paaralan. At hindi alam ng kanyang mga magulang kung paano pa ito tutustusan. Hindi ko rin alam kung ilang beses nyang balak kunin ang inaaral namin. Tanong ko rin ito sa aming tatlo. Si Mila ang nagiisang babae sa aming grupo, mabagal syang kumilos ngunit nakakagulat na ni minsan ay hindi ko pa ito naabutan sa aming mga takbuhan. Mahirap din syang hanapin dahil sa magtatago ito ng mabuti, huwag lang syang mataya. Naalala ko pa noon na pumasok sya sa isang bukas na nitso upang doon magtago ng minsang maglaro kami sa may sementeryo. Kahit yata ang ibaon ang sarili sa lupa ay kanyang gagawin huwag lang syang mahuli. At si Regor, na tingin kong utak ng pagkakaisa nilang tatlo sa akin. Mabilis syang mahanap sa lahat dahil sya ang tipo ng manlalaro na matatapos ka pa lamang magbilang ay nakabantay na sayo upang mailigtas ang sarili. Sa malapit na lugar din sya nagtatago upang mabilis na makatakbo patungo sabase sa oras na mawala na sa kanyang paningin ang taya. Noong minsan, natitiyak ko din na sya ang may pakana sa pangiiwan nilang tatlo sa akin sa kakahuyan habang masusi at matyaga akong naghahanap sa kanila. Kung hindi pa nalalapit ang pagdilim, malamang na patuloy lamang ako sa paghahanap. Hindi ko sigurado kung gawa ito ng hangin ngunit mayroon din akong narinig sa paligid na tila ba umubo upang malinis ang kanyang lalamunan dahilan upang magsisigaw ako at mabilis na kumaripas ng takbo paalis sa gubat.
Nang maikwento ko ito sa aking ina ay agad nya akong kinagalitan.
“”Di ba’t sinabihan ko na kayong huwag magtutungo sa kakahuyan sa kabilang baranggay! Ang kukulit nyo! Ang daming laruan dito sa ‘tin, hindi pa kayo dito maglagi! Bahala kayo kapag nahuli kayo ng Sipay!”
Bulyaw nito sa akin.
Pero hindi pa rin kami natigil sa pagpunta dito. Minsang papauwi ako ng bahay galing sa aming paaralan ay nakasalubong ako ng isang grupo ng mga kalalakihan. Nakaramdam ako ng takot dahil sa ang isa sa kanila ay napakataas at mayroong maputing balat, ibang-iba sa kanyang mga kasamahan. Iba sa amin. Tila ba nadagdagan pa ang nararamdaman kong pagkainis sa aking nakita. Sigurado kasi akong pinagkaisahan na naman ako ng tatlo at iniwan upang umuwi ako ng magsolo. Nilapitan ako ng isa sa mga lalaki na ngayon ko lamang nakita. May bandana ito sa ulo at kulay kayumanggi ang kanyang balat. Hinawakan nya ako sa aking mga balikat at bahagyang umupo. Bahagya akong gumalaw dahil sa takot. Baka sila na ang Sipay na sinasabi ni Ina. Ngunit napansin kong wala naman silang malalaking kulay pulang labi, hindi naman sila kalbo, wala naman silang malalaking itim na mata, higanteng mga kamay at wala silang dala dalang sako. Kung saan ang mga bata ay ikukulong at pipitpitin hanggang sa madurog ang mga buto. Kung saan ako isisilid.
“Boy, mukhang papauwi ka na ah’…saan ka ba galing?”
Tanong ng lalaking humahawak sa aking braso. Sa mga oras na yun ay hinihintay kong dalawin ako ng takot ngunit hindi ito dumating.
“Ah…pa-pauwi na po ako…galing paaralan…”
Nangangatal kong sinambit.
“Hmm. Mabuting bata…gu-”
Natitiyak kong mayroon pa syang sasabihin ng makita kong bigla itong hawakan ng maputi at higanteng lalaki sa balikat. Tila ba naguutos ito na umalis sa aking harapan. Gaya ng aking inaasahan ay tumayo nga ang lalaki at ang maputing nilalang naman ang pumalit sa kanyang pwesto. Umupo ito sa aking harapan at mayroong kinuha mula sa kanyang bulsa. Dito ay nanlaki ang aking mga mata ng bigla nyang ilabas ang napakarami at napakakapal na pera. Ngayon lamang ako nakakita ng ganoong karaming pera sa tanan ng aking buhay. Ginawa nya pa itong parang abaniko upang ipaypay sa akin na akala mo ay hindi ko ito nakikita. Higit kong napansin ang kulay ng kanyang buhok na para bang basahang ginto at ang kanyang mga mata na tila ba asul na brilyante, kaya pala marami ang kanyang pera. Habang ginagawa ito ay bigla syang nagsalita sa isang lenggwaheng hindi ko maintindihan. Malamang ingols, ah basta.
Ang ilan naman sa kanyang mga kasama ay nagngisian at ang lalaking kaninang humawak sa aking balikat ay biglang nagsalita.
“Didiretsuhin na kita bata…bibigyan ka nya ng napakaraming pera kapag ginawa mo ang bagay na gusto namin…”
Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig. Pumasok na lamang sa aking isipan ang mga bagay na aking maaaring mabili sa oras na magkaroon ako ng napakaraming salapi. Ang eroplanong matagal ko ng inaasam at hinihiling kay Ina na hindi nya maibigay, kahit na kailan. Bagong daster para kay Ina, kahit na ilang dosena ay makakaya kong mabili. Hindi ko na rin naisip pa ang kapalit na kanilang hinihingi dahil sa masyado akong nasilaw. Nasilaw din ako sa sinag ng araw.
Kinabukasan ay inaya ko sila Mila upang maglaro sa kakahuyan. Ngunit lubos ang pagtanggi dito ni Regor at Jose.
“Taguan ulit? Pero may sorpresa daw si Mila sa atin a’.”
Paliwanag ni Regor.
“Oo nga. ‘Di ba Mila?”
Baling ni Jose kay Mila.
“Uhm, sige pagbigyan na natin. Para din pag-uwi natin ay handa na tayong…sige basta.”
Nangingiti pang sambit ni Mila.
“Hindi pa kasi sabihin ang surpresa na yan e’.”
Si Regor.
“Nakakagutom na.”
Si Jose.
“Basta…”
Si Mila.
Dito ay nagsimula na kaming maglakad patungo sa aming itinuturing na paraiso. Agad na naming sinimulan ang aming taguan upang mabilis na kaming makauwi at nagprisinta na akong taya sa aming laro na hindi naman nila ikinagulat.
“Haha. Mabuti yan…para mabilis na tayo!”
Si Regor kasama ng pagbanggit sa aking pangalan.
“Tama! Dyan din naman mapupunta yan e’. Ikaw din naman ang matataya! Haha.”
Panggagatong ni Jose.
Narinig ko silang nagtakbuhan. Agad na akong pumwesto sa malaking puno kung saan madalas magbilang ang taya. Kung saan ako madalas na pumwesto. Narinig kong nagtakbuhan na sila upang masimulan ang taguan. Napatingin ako sa baba at nakita kong nakalagay sa damuhan ang bag nilang tatlo habang ang sa akin ay suot-suot ko pa rin. Matapos kong magbilang hanggang sampu at muling makaharap ay nakita ko na sila sa paligid. Ang mga lalaki kahapon. Nakita kong patakbong lumapit sa akin ang isa sa kanila at mabilis na iniabot sa akin ang napakaraming salapi. Kinusot nya ang aking buhok at nagsabing ”huwag mong sasabihin ang tungkol dito kahit na kanino…sige na, takbo…takbo!”Hanggang sa itulak nya na ako palayo upang patakbuhin. Nasulyapan ko pa ang puting higante, tila ba natutuwa sa aking ginawang desisyon. Para bang sinasabi nyang ito ang tamang gawin.
Kumaripas na ako ng takbo at hindi na lumingon pa. Nakarinig ako ng ingay ngunit hindi ako sigurado kung mula ito sa mga uwak sa paligid na madalas naming sigawan ng “Uwak! Uwak!…nasusunog ang bahay mo!” o mula sa aking mga kasama. Wala na akong pakialam. Sila ang may kasalanan. Sila, sabi sa akin ni Tapayan. Kapit-kapit ko ng mahigpit ang salapi sa aking dibdib at hindi ko na pinulot pa ang ilan sa mga nahulog. Nang sapitin ko na ang lugar sa amin ay nakasalubong ko ang Ina ni Mila. Basangbasa na ako ng pawis at humahabol sa aking hininga ng makita ako nito.
“O’…”
Tawag nya sa aking pangalan.
“Bakit ngayon lang kayo? Teka, nasaan sila Mila? Si Jose at Regor bakit di mo kasama?”
Pagpapatuloy ng Ina nya. Hindi ako nakasagot.
“Kaarawan ni Mila ngayon. Hindi nya ba kayo inimbitahan? Pinasabi kong sabihin sa inyo na maghahanda sya a’…asan na ba sila?”
Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy ng muli sa pagtakbo.
“Hoy…!…kinakausap pa kita!”
Patuloy na pagtawag nito sa akin.
Agad akong nagtungo sa aming bahay at napansin ko ang sangkalan sa aming bakuran. Mayroon itong ulo ng manok at lamangloob ng isda. Patuloy na tumutulo ang dugo dito. Kinilabutan ako sa aking nakita at mabilis na nanginig ang aking buong katawan. Pakiramdam kong nakatingin sa akin ang pugot na ulo. Naalala ko ang madalas na sabihin sa akin ni Ina noong nabubuhay pa sya.
“Sa oras na makuha kayo ng Sipay, ay pipitpitin nito ang inyong mga katawan hanggang sa lumabas ang inyong mga dugo! At ito ay ididilig sa ginagawang tulay na magsisilbing nitong pampatibay!”
Dito ay nilapitan ko ang sangkalan at agad na kinuha ang pandikdik namin. Sinimulan kong dikdikin ang ulo ng manok ng hindi tumitingin dito. Hanggang sa hindi na ito makilala.
Nabitiwan ko na ang halos lahat ng salaping tanan-tanan ko kanina at hindi ko na alintana kung mayroon pa bang natira. Mabilis akong nagtungo sa tapayan na madalas kong dungawin at ipinasok ang aking ulo sa butas nito. Hindi ako nagsasalita ngunit kinakausap ako ng tapayan. Sumigaw ako ng sumigaw at ilang beses ko itong pinukpok upang ito’y patahimikin ngunit wala akong nagawa. Patuloy itong bumubulong sa akin. Naririnig ko. Hanggang ngayon. Naririnig mo?
03 Saturday Sep 2011
Posted in Short Story
Single’s Park.
Iyan ang salitang umagaw ng aking atensyon na nakasulat sa isang maliit na papel na aking natagpuang nakaipit sa pahina nang Liwayway na naisipan kong basahin. Matapos kong manuod nang Kapag May Katuwiran, Ipaglaban Mo isang hapon, ay naisipan kong hiramin ang bagong biling Liwayway nang aking kapatid. Ilang pahina pa lamang ang aking natatapos basahin ng mahulog mula dito ang isang maliit na papel na wala akong balak pansinin kung hindi ko pa nakita ang malalaking letra dito na isinulat gamit ang typewriter.
Ilang buwan pa lamang ang nakalilipas simula nang magtapos ako nang Electrical Engineer at ngayon ay nagsisimula na akong mag-aral upang paghandaan ang nalalapit kong board exam. Dalawangput-dalawang taon na ako, at aaminin kong hanggang ngayon ay single pa din ako. Wala naman akong nakikitang masama sa aking pagiging single ngunit minsan ay dumapo na rin sa isip ko na ano ang pakiramdam nang mayroong karelasyon. Bagamat, hindi rin naman ako nagmamadali, iniisip ko din naman kung kailan. Sabagay, sabi rin naman nila na hindi hinahanap yan at kusa itong dumarating. Kahit pa mas naniniwala ako na masasabi ko lamang ang mga yan kapag nangyari na sa akin.
Ilang segundo ko ding pinagmasdan ang maliit na papel sa aking mga palad at matapos ay agad na binasa ang nakasaad dito.
SINGLE’S PARK.
Ang parkeng ito ay naglalayon upang pagbuklurin o tulungan ang isang indibidwal upang hanapin ang kanilang kapareha sa buhay. Bagamat nakikita nang karamihan na itoy katuwaan lamang, inaanyayahan namin ang lahat na bisitahin ang parkeng ito upang maparami rin ang kanilang kaibigan.
-Naglalaman ito ng 20 benches palibot sa buong parke.
At kahit pa kasya ang apat na tao sa isang upuan ay dalawang tao lamang ang maaaring umupo dito. Kapag apatnapung tao na ang nasa loob nang parke ay hindi na magpapapasok pa ang gwardiya sa labas nito. Sa bawat lalabas, ay mayroong pwedeng pumasok.
-Kung uupo ka sa isang upuan ay isang tao na lang ang pwedeng tumabi sa’yo, kung hindi mo sya gusto ay lumipat ka sa upuang wala pang tao, o kaya naman ay sa upuang isa pa lamang ang nakaupo.
-May apat na guwardya ang patuloy na umiikot sa loob nang parke, upang maiwasan ang kaguluhan o hindi magagandang bagay.
Ito ang ilan sa mga nakasulat sa one-fourth size na papel na aking natagpuan. Sa baba naman nito ay nakasulat kung saan matatagpuan ang lugar at sa likod naman ay nakaguhit ang mapa nito. Mga dalawang sakay lamang nang jeep mula sa aking tinitirhan. Unang pumasok sa aking isipan na subukan ito para sa katuwaan lamang, ngunit naisip ko din na bakit hindi ko subukan at tingnan kung ano ang pwedeng mangyari. Baka ito na rin ang sagot sa aking tanong.
Biyernes nang hapon nang maisipan kong puntahan na ang lugar, wala din naman ako sa bahay nang mga oras na iyon kaya naisipan ko na lamang na dumiretso na dito. Bagamat alas-singko na nang hapon noon, (at kulay kahel na ang paligid) tiyak naman ako na hindi ako mahihirapang hanapin ang lugar na iyon dahil malapit lamang ang parke sa isang lugar na pamilyar sa akin. Madilim na nang marating ko ang parke. Bagamat nakadaan na ako sa lugar na ito ay hindi ko inakalang isa pala itong parke. Noong una ko itong makita, inakala kong isa itong pribadong lugar. Ang parke ay napalilibutan nang bakal na bakod na ang desenyo ay tingin kong mas maganda kung sa isang monumento na lamang ilalagay. Mula din sa malayo ay tanaw ko na na madami ang mga puno at halaman sa loob. Noong una ay inaakala kong kailangan ko pang magbayad upang makapasok dito.
Sa gate nang parke ay mayroong tila ticket booth, na karaniwang makikita sa mga sasakyan sa perya. Sumilip ako sa salamin na animoy magbabayad ngunit nagtanong lamang ako sa nasa loob nito.
“Magkano po ang entrance?”
“Magandang gabi, Welcome po sa single’s Park. Ay, pasok ka nalang po sir, wala pong bayad.”
Sambit nang isang lalaki na ubod pa ang ngiti habang nagsasalita, na akala mo’y nakakaloko. Binigyan pa nito nang diin ang salitang Single na akala mo ay nakagawa ako nang matinding kasalanan.
“Pakidala na lang po ito, at pakibalik paglabas nyo. Maraming salamat po.”
Dagdag pa nito. Nakangiti pa din. Iniabot nito sa akin ang isang tag katulad nang ibinibigay sa mga grocery store kapag nag-iwan ka ng iyong mga dalahin. Malamang ito ay para malaman kung ilan na ang taong nasa loob, naisip ko din ito nang makita ko ang numero dito. 28. Ibig lamang sabihin na pang bente-otso ako sa mga taong nasa loob. Nang tuluyan na akong makapasok sa loob nito, napansin ko na bagamat madilim ang buong paligid ay naka-tutok naman ang liwanag nang mga poste sa mga upuan.
Sa aking patuloy na paglalakad, ay dumaan ako sa ilang bakanteng upuan, ang iba ay isa pa lamang ang naka-upo at may iba din namang mayroon nang kasama. Dalawang babae. Paikot lamang ang structure nang parke at bago pa man muli akong makarating sa aking pinasukan ay pinili ko na lang na umupo sa isang bakanteng upuan. Malamang din at ito na ang pinaka dulo nang parke. Naisip ko din na kung inilalayo ko ba ang sarili ko sa pansin nang iba. Ngunit hindi na ako lumipat pa nang upuan.
Bahala na.
Makalipas ang ilang mga minuto nang mapansin kong may papalapit sa akin. Sa totoo lang ay hindi gaanong malinaw ang aking mga mata, naiwan ko kasi ang aking salamin. Napansin ko lamang ang maliit na liwanag mula dito, malamang ay may hawak itong sigarilyo. Hindi ko din matiyak kung nakatingin ba sya sa akin. Walang paraan upang makita ko nang malinaw ang kanyang mukha nang hindi sya malapit ng isang metro sa akin. Ikinagulat ko naman na bigla itong umupo sa aking tabi, at ni hindi ko namalayan ang kanyang paglapit. Ang aking paghinga lamang ang tangi kong naririnig at bukod dito ay ang paghithit lamang ng kanyang sigarilyo ang tanging ingay na pumapasok sa aking tenga.
Binalak kong tumingin sa kanya nang mapansin kong nakatingin din sya sa akin.
“Okay lang?”
Noong una ay ikinagulat ko ang tanong nito, napatingin ako nang sandali sa kanya at napansin kong itinuturo nito ang kanyang sigarilyo. Ginalaw-galaw nya pa ito upang ipakita sa akin, ilang segundo din kasi akong hindi nakapagsalita.
“Ah’, okay…okay lang.”
Sambit ko dito, bagamat hindi ko talaga matagalan ang usok nang kanyang sigarilyo. Matapos kong sumagot ay itinapon na nito ang yosi at agad na inapakan.
“Okay lang, tapos nauubo ka.”
Bigla nitong sabi. Dito ay maigi ko nang napansin ang kanyang mukha. Mayroon syang mahabang buhok na lagpas sa kanyang balikat. Sa lahat nang aking nakita ay sa kanyang mata ako halos nakatitig. Kumikinang ito at aakalain mong susunod na ang pagpatak nang kanyang mga luha. Gayon din ang kanyang pilikmata na umaagaw sa aking atensyon, ang pagkakulot nito na parang nangeenganyo upang lalo ko itong pagmasdan. Nakasuot sya nang kulay asul na blouse at itim na slacks. Lalong lumalakas ang tibok nang aking dibdib, hanggang sa makarinig ako nang tinig bukod sa kabag nang aking dibdib.
“Okay ka lang?”
Tannong nya sa akin na bahagyang iniharap ang kanyang sarili.
“Ah’..okay lang ako, huwag mo akong alalahanin.”
“First time mo ano?”
Tanong nito na aking ikinagulat.
“Huh?…sa ano po?”
“Sa ganito. Teka, may girlfriend ka na ba?…”
Sa matapat at sunod-sunod nitong pagtatanong ako lalong kinakabahan at sa maamo nyang mukha.
“Opo, first time. Wa-wala pa po.”
Bagamat hindi ko alam kung ano ang kanyang tinutukoy sa pagsasabi nya nang first time. Ano ba, sa ganito o sa iba pang bagay. Oo lang naman din ang sagot ko kahit pa ano yan. At talaga namang iyon ang totoo.
“Talaga? Teka, ilang taon ka na ba?”
“Kaka-22 ko lang po…birthday ko kasi kahapon.”
“Tanggalin mo nga yung po. Belated happy birthday pala sa’yo.”
Bahagya nya syang nakangiti at tuluyan nang gumagaan ang loob ko sa nangyayari.
“Sige-p..sige.”
“Ano nga ulit ang name mo?”
“Marquis po…”
“Huh? Marcus?”
“Mar-quis.”
Binanggit ko at binigyang diin ang “quis” sa pangalan ko tulad ng salitang “Kiss”.
“Unique ah.”
“Parang Marquis de Sade. French writer.”
Tumango lamang ito.
“Hmm. Alam mo ba na ang salitang Sadism ay sa pangalan nya kinuha?”
Tanong nya sa akin.
“Noong malaki-laki na ako nang malaman ko…”
“Hindi ka naman sadista ha?…haha.”
“Hindi naman po.”
Nakangiti kong sagot.
“Po na naman…Kakaiba ah,..Im K nga pala.”
Iniabot nito ang kamay nya, at agad ko naman itong kinamay. Hindi nga lang ako sigurado kung paano isulat ang kanyang pangalan, pwedeng letrang K lang, Kei, Kai, Kay…madami pa.
Ilang tao na ang dumaan malapit sa amin, malamang ay nakatingin at nakararamdam nang inggit. Kung bakit ba mabilis naming natagpuan ang isat-isa at eto na masayang magkausap. Iniisip ko kahapon sa aking kaarawan na wala akong regalong natanggap na pabor naman sa akin. Naisip ko din ang minsang sinabi sa akin nang aking kaibigan na ang pinakamagandang regalong iyong pwedeng matanggap sa araw nang iyong kaarawan ay nahuhuli. Walang duda na tama sya. Hindi naman ako kagandahang lalaki ngunit ikinagugulat ko lang nang sobra ang atensyong ibinigay nya sa akin. Sa tuwing maiisip kong sa akin sya lumapit, ay hindi ko maiwasang masabing swerte ako.
Nagpatuloy pa ang aming pagkukwentuhan at mula dito ay nalaman kong intern pala sya sa isang ospital upang tuluyang maging doktor. Naisip ko din ang biro na ang nurse at ang inhinyero ay magandang pares. Pero Nars yun at hindi Doktor, hindi ko yun binanggit sa kanya.
Alas dose na nang gabi nang makauwi ako sa amin. Nabasa ako nang ulan kaya nang makapasok ako sa aming bahay ay naisipan kong maligo bago magpalit nang damit.
“Mar, nakita mo ba yung papel sa Liwayway ko?!”
Binalak ko nang agad na umakyat sa aking kwarto upang matulog na din nang maaga.
”Mar!! nakikinig ka ba?”
Doon ko napansin ang malakas na boses nang aking kapatid.
“Ah’, hindi e.”
“Doon lang nakalagay yun…tsk.”
Tuluyan na akong pumasok sa aking kwarto at hindi na hinantay pang pakinggan ang sinasabi nang aking Ate. Naalala ko’ng itinapon ko na ang piraso nang papel sa basurahan na aking nakita pauwi. Malinaw pa din sa isipan ko ang aking katanungan sa kanya kanina.
“Pwede ba kita ligawan?…”
“Court me, if you like.”
Paulit-ulit na tumatakbo ito sa isipan ko. Nahiga agad ako sa aking kama at maya-maya ay mahimbing nang nakatulog. Kinabukasan ay agad kong kinuha ang aking pantalon na suot ko kahapon upang tiyakin kung nandoon pa ang piraso nang papel na ibinigay nya sa akin. Nangiti ako nang malamang hindi ako nananaginip, at maya-maya bago ako umalis nang bahay ay titiyakin ko kung gumagana nga ito.
Bago umalis nang bahay, ay sinubukan ko ang numero nang teleponong ibinigay nya sa akin. Dalawang segundong tahimik ang linya nang bigla itong mag-ring. Bago ko pa man marinig ang ikatlong pagtunog sa kanyang linya ay ibinaba ko na ang telepono. Ayoko din namang magising ko sya dahil alas-otso pa lamang ng umaga. Para akong isang lantang gulay na nakangiti, na pilit na itinatago ang kasiyahan.
“May problema ka nak?”
Ang aking nanay na nakatingin sa akin mula sa aming kusina.
“Wala po, bakit ma?”
“Mukha kang retarded, pangiti-ngiti ka pa..”
“Hahahaha!”
Itinawa ko yun ng malakas. Kasabay si Mama.
Buong araw na tumatakbo sa isipan ko ang mga nangyari kagabi, kanyang mga kilos, bawat salitang sinabi nya sa akin ay patuloy ko pa rin’g binabaybay sa aking isipan gaya nang.
“Okay ka lang?”
“Ano’ng gusto mo?”
Kanyang pagtatanong na hinaluan pa nang pagaalala na nagpapangiti sa akin. Alas-oto na nang gabi nang makauwi ako sa amin mula sa aming unibersidad. Kinalkula ko din kung anong oras ang kanyang uwi bagamat hindi nya ito nabanggit sa akin. Hanggang sa hindi ko na natiis pa at nakita ko na lamang ang aking sarili na tumatawag sa kanyang numero. Para akong ginulat nang marinig ko ang unang ring sa kabilang linya. Pangalawa, pangatlo.
Naisip ko din na baka mayroon syang ginagawa at ayoko din naman syang maabala, at sa malala pang lagay ay ayokong makulitan sya sa akin. Panglimang ring, pang-anim at hanggang sa bigla nalang nagiba ang tunog dito. Tunog na iyong maririnig kapag busy ang linya.
Naisip ko na lang na baka wala pa sya sa kanila kaya ipinagpaliban ko na lang muna ang pagtawag. Alas-onse y medya, nang muli kong subukan na tawagan ang kanyang numero. Sana pala ay nahingi ko din ang numero nang kanyang beeper, gusto ko lamang kasing iparating sa kanya na nag-aalala ako sa kanya, kung okay lang ba sya? at kahit ang simpleng kamusta at pagbati nang magandang umaga ay gusto kong iparating sa kanya.
Nag-ring nang muli ang telepono, ngunit matapos nitong magawa ang pangatlong tunog ay wala na akong narinig. Inakala ko na sinagot na nya ang aking tawag at patuloy ako sa pagsasalita ngunit wala naman ditong sumasagot. Sinubukan kong tumawag muli at siguro ay binunot na nito ang kurdon nang telepono. Masyado na kasing gabi at siguro ay pagod na din sya. Naintindihan ko yun.
Umakyat ako agad sa aking kwarto, at karaniwan na bago ako matulog ay nagbabasa muna ako. Kung hindi man nobela ay pinipilit kong basahin ang tinuro sa amin sa klase. Pero ngayon ay nahiga na lang muna ako, ilang sandali pa nang mapansin kong biglang lumalabo ang aking salamin. Agad ko itong tinanggal at ipinatong sa lamesa sa tabi nang aking kama. Hindi ko na ito pinunasan dahil matutulog na din naman ako. Ang tanging pinunasan ko na lamang ay ang aking mga mata na patuloy sa kanyang pagluha.
Ilang araw ang nagdaan, ngunit patuloy akong umaasa na muli ko pa syang makikita. Hanggang sa mag-ring ang aming telepono isang umaga. Gumulat ang tunog na iyo na tila ba alam ko kung sino ang tumatawag sa kabilang linya. Kumakain ako nang agahan noon at papunta na sa aming paaralan upang magbasa, ng dagli kong sagutin ang aming telepono. Nagunahan pa kami ni Ate, ngunit mas malapit ako sa kanya papunta sa aming sala.
Agad akong tumayo at…
“Ako na…”
Pang-limang ring nang simula ko itong iangat.
“Hello, magandang umaga.”
Sambit ko. Bumati ako na hindi ko naman karaniwang ginagawa, siguro para magpasikat.
“Hello.”
Boses nang isang babae. Kinabahan ako at hindi agad nakapagsalita hanggang sa sundan na nang babae ang kanyang sasabihin.
”Pwede po ba kay Margaret?…si Erica, officemate…”
Hindi ko na pinakinggan pa kung ano o kung meron pa itong sasabihin at agad ko na lang itinaas ang telepono. Pahiwatig na para kay Ate ang tawag.
“Nawawala ko nga e’…”
Narinig kong sinambit nya dito. Malamang ay tungkol ito sa kapirasong papel na aking natagpuan at patuloy nyang hinahanap. Kababalik ko pa lamang sa aming hapag nang marinig kong mag-paalam si Ate sa kanyang kausap. At ilang hakbang pa lamang ang kanyang nagagawa nang mag-ring muli ang aming telepono.
“Kulit.”
Bigkas ni Ate pabalik.
“Wait lang…Ke!, telepono…”
Napatigil ako sa aking ginagawang pagkain nang marinig kong para sa akin ang tawag.
Hindi ko na din napansin ang kinaiinisan kong pag-gamit ni Ate sa aking palayaw na sya mismo ang nag-pauso, dahil sa nung bata sya ay hirap pa syang bigkasin nang buo ang aking pangalan. Agad akong lumapit dito at agad din namang umalis ang aking kapatid matapos na maiabot sa akin ang telepono.
“Hello.”
Nakarinig ako nang kaluskos bago ko marinig kung sino ang nasa kabilang linya.
“Marquis…K to.”
Nanlaki ang aking mga mata at hinila ko nang mabuti ang kurdon, upang makaupo din ako nang maayos. Mabuti na lamang at ibinigay ko din sa kanya ang aming numero, sakaling maiwala ko ang numero sa isang resibo na ibinigay nya sa akin habang ako ay papauwi. Parang may kung anong gumagalaw sa aking tyan pero hindi ko na ito pinansin, ngunit sigurado ako na masaya ang aking pakiramdam.
“K-Kei…kayo po ba yan?”
“Oo’, kamusta ka na? Pasensya ka na kasi after work sa hospital e’ gabi na ako nakakauwi at wala nang panahon pa para tumawag…ayun so tulog na lang ang gagawin ko sa sobrang pagod…”
Paliwanag nya sa kabilang linya. Naluluha luha pa yata ako noon habang nakikinig, pero sobrang saya ko noon at hindi ko alam kung paano ko itatago ang ngiti sa aking mukha pagbalik ko sa hapag kainan.
“Okay lang po, okay lang po…huwag mo akong alalahanin…salamat ha…pahinga ka po palagi…Ingat…”
“Okay, ang sweet mo naman.”
Iyon ang isa sa pinaka masayang araw sa aking buhay para sa akin. Tinanong ko rin kung pwede ba ulit kaming magkita, tinanong ko na dahil ayaw ko din namang magsisi ako sa huli. Isa pa, hindi ko din naman mapigilan ang aking sarili na muli syang makita. Pumayag naman sya at dalawang araw mula sa kanyang pagtawag ang napag-usapan namin. Hindi na ako makapag-hihintay pa. Sa araw na lumipas ay tumawag din akong muli sa kanya, ngunit bago pa man nya masagot ay ibinababa ko na ang telepono. Iyon kasi ang ayaw ko, yung darating sa punto na makukulitan sya sa akin. Hindi ko naman inaasahan ngunit apat na araw na ang lumipas nang hindi ko na naman sya matawagan. Patuloy lamang na nagri-ring ang kanyang telepono at walang sumasagot (o hindi nya ito sinasagot).
Nasasaktan lamang ako sa aking patuloy pag-asa. Ito pala yung sinasabi nilang masakit na pakiramdam kahit wala ka namang sugat.
Isang linggo pa ang nakalipas nang muli ko syang matawagan at hindi ko alam kung pinagtataguan nya ako.
”Akala ko po ba mag-kikita tayo?”
Tanong ko sa kanya ng matuwid.
“Pasensya ka na ha’ busy talaga ako…”
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ko nang sabihin ko ito pero siguro ay sobra lang akong emosyonal nang mga oras na iyon. kaya ko ito nasabi.
“Teka, pwede nyo naman pong sabihin sa akin na ayaw nyo nang makipag-kita sa akin…okay lang naman po…maiintindihan ko.”
“Look, i would’nt spend time with you if i don’t like you.”
“E’ ngayon pwede po ba kayong makita? kahit sandali lang,…”
Hindi sya nagsalita. Kaya nagpatuloy ako.
”…kasi po pinalayas ako sa amin.”
Hindi totoong pinalayas ako, ngunit bigla na lamang itong lumabas sa aking bibig. Talaga bang kapag ang tao ay desperado na, ay gagamit itong nang isang bagay o dahilan upang kaawaan sya nang kapwa nya upang makuha nya ang kanyang gusto? Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa ngunit hindi ko na alam ang gagawin.
“Teka, lasing ka ba?”
“Hindi po…hindi nga po ako umiinom…di ba nasabi ko na po yun sa inyo noon.”
Tumahimik syang muli.
“Pero bakit po ganoon, palagi na lang akong naghihintay…umaasa po ako sa wala.”
“You know what…you’re starting to scare me.”
“Sabihin nyo lang po kasi kung ayaw nyo sa akin para di ako umaasa.”
Naririnig kong tumataas mula sa pangkaraniwang tono ang aking boses, at matapos kong magsalita ay wala na akong narinig pang iba. Ibinaba na nya ang linya. Nung mga panahong iyon ay nagmumukha akong tanga, umiiyak ako gabi-gabi at sa tuwing mapapadaan ako sa kanilang boarding house ay hindi ko mapigilan ang malungkot. Lalo na sa tuwing tinatangka kong ibaling ang aking atensyon sa kanyang bintana na minsan ay nakabukas na ang ilaw, nagpapaalalang nasa loob na sya.
Noong gabi na matagpuan ko ang Single’s Park at matapos naming mag-usap, (doon ko nalaman na hanggang alas nuebe lamang pala nang gabi bukas ang parke at ang lahat at kinakailangan ng umalis mula rito) ay dinala nya ako sa kanyang tinitirhang boarding house.
Dito ko din nalaman na malapit lamang ang tinitirhan namin sa isa’t-isa. Pagdating namin doon ay agad nya akong dinala sa kanyang kwarto na tila ba nagmamadali. At siguro ay napansin nya na din, na bahagya akong nanginginig kaya bigla nya akong tinanong.
“Okay ka lang?”
Nang mayroong pagaalala. Mayroong nangyari sa amin. Sinambit nya ang mga katagang ito na tila ba ako pa ang agrabyado. Na para bang ako ang babae at sya ang lalake. Na ako ang may posibilidad na mabuntis. Matapos noon, ay tila ba ako pa ang sobrang naapektuhan at ako pa ang mahina sa aming dalawa. Kaya tinanong ko din sya kung ayos lamang ba ito, ngunit sumagot lang sya nang…
“Okay lang ako, nag-dodoktor ako di’ba?…alam ko ang gagawin.”
Base sa kanyang ekspresyon, ay di ko malaman kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan nung mga oras na yon. Tila ba humihingi nang awa ay bigla ko na lamang naisipang sabihin na tutuloy na ako. Nabigla naman ako na parang wala lang ito sa kanya at tumanggap lamang ito nang isang bisita na agadnyang kailangang paalisin
“Sige at baka gabihin ka pa.”
Hindi ko na lang din sinabi na malapit lang ako sa kanyang lugar. Bago ako umalis ay lumapit ako sa kanya at niyakap ko ito habang sya ay nakatalikod. Humarap sya sa akin at nagsabing…
“Ano ang gusto mo?”
Sa maamo nitong mukha at pananalita. Sa tuwing maaalala ko ang mga pangyayaring iyon ay hindi ko pa din mapigilan ang maluha. Ilang buwan na simula ng gabing kami ay magkita, ngunit hindi pa din sya nawawala sa aking isipan. Minsan habang pauwi ako sa aming bahay at nilalakad ang kahabaan nang kalye pauwi sa amin, ay bigla na lamang lumalakas ang tibok nang aking dibdib. Malalaman ko na lamang na kasalubong ko pala sya. Malabong ang aking mga mata lalo na sa dilim, ngunit hindi ako pwedeng magkamali na sya ang aking nakikita. Para akong nilagutan nang hininga nang oras na magkatapat na kami, ngunit sa aming patuloy na paglakad ay hindi ito tumagal nangdalawang segundo.
Pinipilit kong hindi lumingon dahil alam kong hindi rin naman nya ako lilingunin. Ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili at lumilingon pa rin ako, upang makita syang mabilis na lumalayo sa akin. Mayroon ding mga pagkakataon na inaakala kong baka nahihiya lamang sya sa akin at ang totoo ay gusto nya din akong pansinin. Minsan nang makasalubong ko sya at nang makalagpas ito sa akin ay agad akong bumalik upang habulin sya.
Tinatawag ko ang kanyang pangalan ngunit hindi sya lumilingon hanggang sa maharang ko ang kanyang daraanan. Sinabi nyang nakakagulat naman ako, habang patuloy na naglalakad nang mabilis.
”Sorry po ha?”
Ang tangi ko na lamang nasasabi. Sinabi ko din na kung pwede ko bang makuhang muli ang kanyang numero upang matawagan ko sya. Pinaliwanag ko sa mabilis na paraan na naiwala ko ito. Isang gabi na sobrang sama nang aking loob nang bigla kong kinalimutan ang kanyang numero at itinapon ang resibong ibinigay nya sa akin.
“Pasensya na ha’…may partner na din kasi ako…at malapit lang sya dito…baka makita tayo.”
Hanggang sa titigil na ako sa paglalakad at sya na hindi man lamang lumingon upang magpaalam ay patuloy sa mabilis nitong pagalis. Hindi ko rin alam ang tunay nyang pangalan, marahil ang “K” ay isa lamang letra sa alpabeto na kanyang naisipang gamitin. Maaring sa ibang letra pa nagsisimula ang kanyang pangalan na hindi ko rin naman sigurado kung pilit nyang itinatago ito sa akin. Sa mga panahong makakasalubong ko sya ay gustong-gusto ko syang kausapin at itanong kung bakit nya iyon ginawa sa akin. Maiintindihan ko naman kung ano ang paliwanag nya bagamat alam kong masasaktan nya lamang ako. Ngunit sa tuwing tinatangka kong sya ay makausap sa oras na kami ay magkitang muli, nararamdaman kong natatakot ito sa akin bagamat hindi ko naman ito sadyang gawin. Kung maipapaliwanag ko lamang sa kanya at kung maipapaliwanag nya lang sana sa akin, siguro ay mas magiging maluwag sa aking dibdib at gagaan ang aking pakiramdam. Masokista ba ako? Katulad ng manunulat na aking kapangalan?
Kung bibilangin ngayon ay isang taon at ilang buwan na ang nakalipas simula ang gabing iyon. Minsan, sinasabi ko sa aking sarili na kaya ko nang hindi masaktan kahit pa lumitaw sya sa aking harapan. Ngunit sa tuwing makakasalubong ko syang muli ay hindi ko mapigilan ang aking sarili, bagamat hindi ko na sya nilalapitan ay tinitingnan ko na lamang ito hanggang mawala sya sa aking paningin. Para bang mayroon akong sugat na matagal nang naghilom, ngunit eto at kumikirot muli.
Oo aaminin ko na nasasaktan pa din ako at sobrang nalulungkot sa tuwing sya ay aking nakikita, pero inaasahan ko din ang araw na matatanggap ko ito nang lubos kaysa ngayon. Wala akong galit na naramdaman sa kanya dahil alam kong mayroon syang paliwanag para sa akin na inaasahan ko pa ring marinig kahit na kailan. Iyan ang unang pagkakataon na akoy ay nagmahal, kung nagmahal nga ako. Alam ko na hindi ako dapat matakot na ulitin ito dahil lang sa isang pangyayari na hindi ako nagtagumpay. Hindi ko maaaring itago na maraming bagay ang itinuro nya sa akin na hindi ko matatagpuan kahit saan. Kahit pa hindi naging maganda ang resulta at nasaktan ako sa kanyang ginawa, nagpapasalamat pa din ako dahil pinalaki ako nang sitwasyon.
Hindi ko alam kung ako ay nagmahal o ang kalungkutang aking nadarama ay dahil lamang sa pag-iwan nya sa akin. Kahit ano pa man ang dahilan, gusto kong sabihin na hindi ko sya malilimutan kung nasaan man sya ngayon kahit na alam kong walang paraan upang marinig nya ako. Ang lahat nga daw nang bagay ay mayroong dahilan, kahit na ang pagkuha ko sa papel na nakaipit sa babasahin ni
Ate ay kasama doon. Dahilan na sa huli ay nasa iyo ang kasagutan kung tatanggapin mo ito bilang tama o bilang pagkakamali. Kailangan lamang natin isipin na hindi dahil hindi pabor sa atin ang kapalaran o sa mga bagay na gusto natin, ay hindi na tayo pwedeng magtagumpay.
Pumasok ako nang parke ng single ngunit lumabas pa rin ako nang single ngunit married ako ng experiences.
At yun ang higit na mahalaga.
02 Friday Sep 2011
Posted in Short Story
Tags
Alam kong maaring magaway na naman kami ng aking mga kapatid. Hindi ko malaman kung bakit ganoon na lamang ang galit nila sa akin. Panganay ako sa apat na magkakapatid ngunit hindi ko nakukuha ang respetong aking dapat na matanggap. Hindi ako iginagalang ng aking dalawang kapatid na sumunod sa akin maliban na lamang sa aming bunso. Si Oli. Ngunit masyado pa syang bata, mauuto at masusuyo mo pa ng kendi. Ganito rin kaya ang gagawin nya sa akin sa oras na sya ay lumaki?
Kagaya ng madalas kong gawin ay madalas akong umuwi ng gabi. Hanggang alas-sais lamang ng gabi ang aking pasok sa kolehiyo ngunit madalas na alas-otso na ako makarating sa amin. Pinipilit ko silang iwasan. Kailan ba nila ginawa ang mga ito sa akin?
Inabutan ko silang kumakain sa aming hapag at tahimik akong pumasok.
“O’ nak, sumabay ka ng kumain sa amin.”
Si Mama.
“Klang!”
Dito ay narinig kong hinulog nang isa sa aking kapatid ang hawak nilang kubyertos.
“Nak, anu ba yan?”
Reaksyon ni Mama sa nangyari.
“Nakakawalang gana namang kumain…”
Sambit ng sumunod sa aking si Randall. Noong batabata pa ako, sa tuwing gagawin nya ang ganito sa akin ay madalas kaming magsapakan. Kahit pa sa harap ni Mama, pambabastos ito sa kanya ngunit naisipan kong hindi talaga maganda. Kaya naman ngayong malaki na ako, hindi ko na lamang ito pinapansin. Pinipigilan ko ang aking sarili.
“Randall ha! Magsisimula ka na naman!”
“Hala. E’ di sana di na sya dumating…ako pa may kasalanan.”
Tugon nito sa aming ina.
Sinabayan naman ito ng paghalakhak ng pangatlo sa amin, si Vladimir. Sya ang kapatid kong bumato ng baso sa akin kaya naman nagkaroon ako ng poknat sa ulo. Sa tuwing magpapagupit ako, palagi kong pinaiiwas na iklian ng barbero ang peklat sa aking anit. Pero sa oras na wala na akong magawa at nagupit na ito ng barbero, ay uuwi akong katatawanan sa amin. Isang bagay na muling magpapaalala sa akin ng kanyang ginawa.
Upang maiwasan ang lahat ng mga ito ay agad na akong umakyat patungo sa aking kwarto.
“Nak’, di ka na kakain?”
Habol sa akin ni Mama.
“Mamaya na lang po.”
Tugon ko dito.
“Oo, mamaya na lang pagkatapos namin. Haha.”
Si Randall.
“He he. Wala ka na rin namang ulam.”
Dagdag pa ni Vladimir.
Narinig kong pinalo sila sa kamay ni Mama, ngunit hindi ako masaya tungkol dito. Gusto ko lang naman na sila ay magbago…sa kanilang sarili. Hindi lang dahil pinagalitan o dinidiplina sila ng aming mga magulang. Naalala ko pa minsan na sa tuwing gigisingin ako ni Mama ay nakaabang na sa kanyang tabi si Randall. Sa tuwing ginigising ako ni Mama sa dilim ay sinisipa naman ako ng aking kapatid. Sinusuntok at kinukurot. Malabo ang mata ni Mama lalo na sa dilim kaya naman hindi nya ito napapansin. O hindi nya lang sinasaway si Randall?
Pumasok na ako sa aking kwarto.
Alas dose na ng gabi ng maisipan ko namang lumabas ng aming bahay upang bumili ng makakain. Nang makababa ako ay patay na ang ilaw ngunit bukas pa ang telebisyon, nasa harap nito si Randall at nanunuod. Ngunit ng makalapit ako ay natutulog na ito kaya naman bago ako lumabas ng aming bahay ay hinila ko na ang kurdon ng telebisyon.
Sa aking paglabas sa aming bahay ay sobrang nakakabingi ang katahimikan. Mayroong tunog ngunit tingin kong gawa lamang ito ng aking tenga. Madilim din ang buong paligid at mga poste na lang ng ilaw ang gabay ko sa paligid. Iniisip ko ang mga nangyari sa akin, hindi ko alam kung bakit nila iyon ginagawa, maaring isipin ng iba na masyado lamang akong madamdamin ngunit pinakaaasam ko talagang mahalin nila ako bilang isang kapatid. Isang Kuya. Kung ano ang nararapat. Maari rin naman na masyado pa silang bata…pero bakit ang iba? Naging mabuti at responsable naman akong kapatid sa kanila, bakit ganito kung itrato nila ako.
Habang naglalakad ako sa gitna ng kalye papunta sa tindahang pagbibilhan ko ng pagkain ay isang napakalaking liwanag ang bumalot sa akin. Mainit at masarap sa pakiramdam. Gusto kong tingnan kung saan ito nanggagaling ngunit nakakasilaw ang buong liwanag kaya naman pagpikit na lamang ang aking nagawa. Itinaas ko din ang aking mga kamay upang salubungin ito. Upang hindi ako lagpasan.
Nang makarating ako sa aming bahay ay bukas na ang mga ilaw. Nasa baba na rin si Mama at ginising na si Randall upang matulog na sa kwarto nito.
“O, ‘nak. Lumabas ka pala.”
Bungad sa akin ni Mama.
“Mabuti naman at bumili ka nga…napasarap kasi ang kain ng tatay mo at ng mga kapatid mo kaya naman wala ng natira.”
Dagdag pa ni Mama. Ngumiti lamang ako sa kanyang sinabi at ipinatong na sa lamesa ang mga pagkaing binili.
“Ma, aakyat lang po ako. Madami akong nabili, kain kayo ni Randall.”
Sambit ko sa kanya habang papaakyat sa itaas.
Pumunta ako sa kwarto nila Papa at pinuntahan kung saan natutulog ang bunso naming kapatid na si Oli. Hinalikan ko ito sa noo at sinabing magpakabait sya. Kanina pa itong natulog ngunit alam kong narinig nya ako. Pinagmasdan ko rin ang aking ama na natutulog. Tinitigan ang kanyang tiyan at siniguro ko kung gumagalaw nga ito, senyales ng kanyang paghinga. Nang masiguro ko ang mga ito ay umalis na ako. Sumunod ko namang pinuntahan ang kwarto nila Randall at Vladimir.
Hindi gaya sa silid nila Mama, ay nakabukas ang lampshade sa kwarto nila Randall. Nang makapasok ako sa kanilang silid ay nakita kong gising pa si Vladimir nakaluhod na inaayos ang mga gamit sa loob ng pamasok nyang bag. Naramdaman nya ang aking pagdating kaya naman nagsalita ito ng hindi humaharap.
“Kuya Randall, may itatanong pala ako sa’yo.”
Sambit nya sa akin. Inakala kong nakilala nya ako kaya naman ng marinig kong ibang pangalan ang kanyang binanggit ay hindi na ako nagsalita.
“Huy, Kuya.”
Dagdag pa nito at matapos ay agad na lumingon.
“Ku-kuya…”
Binanggit nya ang aking pangalan at mabilis na tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Nabasa rin ang sahig. Gusto nyang sumigaw ngunit hindi nya nagawa. Pakiramdam ko ay humihingi sya ng tawad ngunit dahil walang tinig na lumalabas sa kanyang bibig ay hindi ko rin sigurado. Matapos nito ay bumaba na akong muli.
“Ang tagal naman ng Kuya mo…tayo rin ang uubos sa kanyang pagkain.”
Narinig ko na sinambit ni Mama. Tila ba hindi alintana ang aking pagdating. Bahagya akong nalungkot sa kanyang mga sinabi.
“Hay naku Ma’. Hayaan nyo nga yun. Ang tagal nya bumaba e’. Nagpapapansin na naman yun.”
Sambit ni Randall.
“Tsk. Tumigil ka nga sa pang-iinsulto sa Kuya mo. Kaya kayo laging nagtatalo e’.”
“Ma, kahit anong gawin nya…hindi namin sya matatanggap…”
“Ano?!…anung sinabi mo?”
“Wala po…”
“Isa!”
“Ma…”
“Magsalita ka!”
“Kasi…narinig namin ko kayo ni Papa. Dati…”
“Anong dati?”
Marahan akong naglakad at umupo malapit sa kanilang harapan. Nakamasid lamang ako sa kanilang pagtatalo. Para bang nanunuod lamang ng isang programa sa telebisyon.
“Kwinento mo kay Vladimir ano?! Sira ulo ka! Kung sabihin nya yun sa Kuya mo?”
“Ma’…bakit kasi hindi mo pa sabihing na ampon lang yan si Kuya!”
Matapos itong sambitin ni Randall ay mayroon namang biglang kumatok sa aming pinto.
“Blag! Blag! Blag!”
“Ano yun?”
Tanong ni Mama.
“May kumakatok sa pinto.”
“Ako na.”
Gusto kong pigilan si Mama sa kanyang gagawin. Kahit pa ganito ay ayokong marinig nya ang balita. Isang balita na hindi ko alam kung mabuti o masama para sa kanilang lahat.
02 Friday Sep 2011
Posted in Short Story
Tags
Isang hapon ng pauwi na ako sa aking tirahan mula sa trabaho ay naka-salubong ako ng isang kakaibang nilalang. Kakaiba? Oo! Hindi tao? Tao, pero taong kakaiba.
Bakit?
Noong makita ko sya mula pa lamang sa malayo ay pakiramdam kong tumigil ang pag-ikot ng aking mundo. Nawala ang dami ng tao na nag-lalakad sa buong paligid. At tila ba kami lamang dalawa ang natira sa buong mundi. Agad kong napansin ang kanyang mga mata.
Hindi ko alam kung ano’ng meron dito, ngunit nang makita ko ito ay halos mapatalon ako. Sa tuwa? hindi pa rin ako sigurado. Nag-niningning ito na para’ng salamin. At bagamat’ hindi ako sanay sa titigan, feeling ko’y mananalo ako sa pagkakataong ito. Ni’ ayaw umalis nang mata ko sa kanya at wari ko’y naka-dikit na ito dito, na gusto ko din naman’g mangyari.
Bigla ako’ng kinilabutan. At kung may mga bulate ako sa tiyan, alam ko’ng sila yun’g mga nagtatalunan.Alam ko din’g sa mga oras na yun ay abot hanggang tenga ang ngiti ko. Pakiramdam ko nga na mapupunit na ang mga labi ko nang sobra…mabuti na lang at hindi ito halata.
Nang tuluyan na kami’ng mag-kasalubong ay nanginig ang buong katawan ko. Para akong tumawid sa lubid nang “Limbo Rock!” nang mapalapit ako sa kanya. Totoo. Nang lumagpas sya sa akin, ay hindi na ako nag-dalawa’ng isip na lingunin sya. At hindi ko naman inaasahan na lilingunin nya rin ako, na naka-dagdag pa sa saya na aking nadarama.
Tumigil sya sa pag-lakad. At tila nag-hintay sa tabi nang malapit na pader. Tumigil din ako at pumuwesto sa likuran nya. Nasabi ko na lang sa sarili ko na…
“Tila’ sya na ang naka-tadhana para sa akin…alam ko’ng huli na para sa edad ko…at alam ko’ng sa buong buhay ko ay hindi pa ako nag-karoon nang kasintahan, ngunit tama nga sila…ang lahat nang bagay na gusto natin ay darating lamang sa tama’ng oras at sa tamang panahon…At hindi ko kailangan’g palagpasin ang pagkakatao’ng ito na mapalapit sa naka-tadhana para sa akin…”
Naka-tingin pa rin sya sa akin. Kaya hindi na rin ako nag-dalawa’ng isip na lapitan sya. Kakapalan ko ng aking mukha o mamaya ay mag-sisisi ako at kinakailangan kong kontakin si Inspector Mills. Ayokong mangyari yon. Inayos ko ng sandali ang aking sarili. Pinunasan kong aking mukha gamit ang basa kong “Good Morning Towel”.
Nang akin syang malapitan ay binati ko agad ito.
“Alam mo…pamilyar ka sa akin?…”
Dama kong nanginginig pa ang aking boses. Hindi ako sana’y sa ganito. Yung lokohan.
Masaya pala.
“Punta tayo doon…”
At nag simula na syang magsalita. Lalong tumindi ang aking nararamdaman at hindi tulad kanina, ay alam kong masaya ako ngayon. At tingin kong halata na ito sa akin. Mas mabuti na ring alam nya.
“Doon tayo…”
Sambit nito.
Sa pangalawang pag-kakataon ay narinig ko na namang muli ang mala-anghel ny’ng tinig. Hay, parang gusto kong lumutang. Parang gusto kong himatayin. Bigla syang nag-lakad palayo sa akin. At tila ba isa akong alipin na wala ng ibang gagawin kung hindi ang sumunod sa kanyang diyos. Pumunta kami sa isang madilim na parte ng lugar. Hapon pa lamang ngunit ginawa gabi ng lugar ang paligid. Nawa’y palaging ganito, kasama ko lang sya ay masaya na ako. Nang sapitin namin ang lugar, ay napansin kong wala ng masyadong tao sa aming paligid. Madilim ang lugar. Pero, kita ko pa rin ang maningning nyang mga mata. Ngumiti ako sa kanya.
Nagulat na lamang ako ng bigla nya akong yakapin. Hindi ko yun inaasahan. At hindi ko din alam ang gagawin at sasabihin. Oo’, kinikilig ako. Dahil sa tanan ng aking buhay ay ngayon lang ako nayakap ng ganito. Hanggang sa mag-salita s’yang muli, siguro dahil sa hindi ako makapagsalita.
“Huwag kang gagalaw at huwag ka’ng maingay…may kutsilyo ka sa likod. Hold-up to’…”
Alam ko naman talagang hindi sya ang aking hinahanap, sinubukan ko lang upang makasiguro. Magpapagaling muna ako ng kaunti bago ko sya muling hanapin. Alam ko na mahahanap ko rin sya. Balang araw.
01 Thursday Sep 2011
Posted in Short Story
Tags
This particular entry is recently published in https://www.facebook.com/MsobBookAnthology?fref=ts and http://www.goodreads.com/book/show/16139895-michael-s-shade-of-blue-anthology
Thank you. ^_^