Sa di malamang dahilan,

Bigla mo akong iniwan

At biyaya parin’g maituturing

Tsansang ibibigay mo sa akin

Muli nating pagkikita, lubos kong ligaya

Kahit na alam kong ito’y marapat at huli na

Ating huling pagkikita

Lubos ko’ng pagdaralita

Aking pinagtataka

Saan ka papunta?

Pagmamahal ko sa iyo

Tila binaliwala mo

Hanggang sa sabihin mo’ng

May bago na sa puso mo

Ang lungkot sa loob ko

Tila baliwala sa’yo

Iniiyak ko sa iyo lahat

Mga sakit at aking hirap

Bigla kitang niyakap

Na iyong ikinagulat

Hindi mo ako masisisi

Nagpakatotoo lamang ako

Ayaw kong mawala ka

Sa akin ka pumunta

Niyakap ka nang mahigpit

Hindi ka na humihinga

Nasakal pala kita.

Pasensya ka na talaga.

Minahal lamang kita.

-June 26, 2010.

Advertisements