Tumilaok ang manok. napaos.

Iniimprenta ang mga dyaryo. mainit.

Umunga ang isang sanggol. kalalabas lamang mula sa

sinapupunan ng kanyang ina.

Humigop mula sa mainit na kape ang isang matandang lalaki.

Yumakap ng mahigpit ang isang bata sa kanyang unan. ayaw pa’ng bumangon.

Nag-mamadali’ng umalis ng bahay ang isang tatay. may pinagtataguan.

Nag-buhos ng malamig na tubig ang isang studyante, naliligo. patalun-talon.

Napuno na ang MRT at LRT. Siksikan. Kiskisan. naligo sa maagang pawis.

Umuwi ang isang nilalang na gising sa gabi. bagsak patungo sa kama. tulog agad.

Pila sa banyo sa mga boarding house at pila ng tubig sa poso. maiinit ang ulo.

Nagdidilig ng halaman si lola. nakikinig ng drama sa radyo si lolo.

Kumukulong sinaing. lumata. nasunog.

Kinakabahan ang isang baguhan. patungo sa mahabang pila

ng trabaho’ng kanyang papasukan. pinag-papawisan.

Nag-tanghalian si construction worker.

Ulam, sabaw. yung kasama may baon. pinaalis ng kantina.

Inaantok lahat, siesta.

Kutuhan sa tanghali. umiiyak si nene.

Nagmerienda ang mag-ina sa hapon. kamote. binatog.

Pinapay-payan ng panganay ang natutulog na kapatid. para lumaki. para may masolo.

Dumaan ang naka-bisikleta’ng kartero. hinagis ang sobre. pasok.

Si teacher nag-retouch. sabi mag-babanyo lang. pagbalik, gumanda.

Isang empleyadong nasa jeepney, nagmumura. na-sangkot sa isang trapiko.

Nawawala ang ilaw ng araw. pinalitan ng kahel na bumbilya.

Dalawang tao nagka-salubong. Nagkindatan. may pinuntahan. salpukan.

Isang dalaga umiiyak sa gitna ng kalye.

hindi maawat ng lalaki, nahihiya sa mga nanunuod.

Mga estudyanteng nagkakantyawan. malayo man malapit din.

Madaming lumalabas. madaming pumapasok.

Nasagasaang aso. walang nakapansin. walang pakialam.

Delikado kaya may naholdap. may nasaksak. utakan sa dilim.

Baluga, naglatag ng karton. sisimulang magpahinga. tumunog ang tiyan.

Humikab at inaantok. uminom ng tsokolate. hindi nag-sipilyo.

Naligo at paalis na. simula ng araw sa gabi.

Hindi naka-tulog. nasaksihan ang bagong umaga.

 

-November 13, 2009

 

Advertisements