Tags

, , ,

 

Ah, ah, ayan na, ayan na.

Ah, ah, tapos na, tapos na.

Sana’y nakita ang halaga,

bago pa man ito’y mawala na.

 

Tayo’y bulag sa mga oras na ‘to,

At hindi alam kung kailan matututo.

Tanging napapansin mga lumalabas sa atin,

sarili ang mahalaga, at wala ng iba.

 

Ating baunin at ito’y saluhin,

kahit na ‘di alam kung saan gagamitin.

Ah, ah, ayan na, ayan na.

Ah, ah, itatago ko muna.

 

-090811 3:03

Advertisements