Tags

, , ,

Minsan nahiling ko na sana’y ako ang larawang

tinitingnan mo.

Ang palabas sa telebisyong iyong sinusubaybayan at

Tanawing palagi mong pinagmamasdan.

 

Ngunit ang lahat ng ito’y pawang kathang isip lamang

at isang kahilingang pinakaaasam-asam.

Isang bagay na sa akin lamang nabubuhay at

walang paraan upang bigyan mo ng kulay.

Dahil alam kong wala itong katuparan

sapagkat kailanman ay hindi ka maliliwanagan.

 

Nakakalungkot lamang na malaman,

na sa oras na ako’y matauhan.

Doon ka naman magpaparamdam

at dito’y malalaman, aking kahalagahan.

 

Kung pwede lang ibalik ang dati,

mga oras na ‘di mo nasabi.

Ibalik ang nakaraan

na may pantay tayong pagtitinginan.

 

-091111 1:03pm

Advertisements