Tags

, ,

Dapat mong

malaman, na kahit na ano

      ang ‘yong gawin, ay hindi ka nya papansinin.

    Dahil kung gusto ka nya, ay hindi ka na mahihirapan

pa. ‘Di ka na magsisirko sa kalsada, tutulay sa

kable ng poste, kakain ng blade at iinom ng asido,

maglalakad gamit ang pilikmata, kakain ng apoy, at magii-split

sa harapan nya. Hindi mo na rin maiisipang maglaslas

ng ‘yong pulso, maghula-hoop sa barbwire at maglimbo-rock sa

garote. Dapat mong malamanna ito’y may hangganan rin,

lalabasan ka ng pawis at kalauna’y

mapapagod din. Mauubusan ka ng

     hininga at gugustuhin mong magpahinga

na muna. Dito’y mapagtatanto mo na  walang

patutunguhan ang pagod mo, kaya naman magka-

cartwheel ka paalis.  Mula sa isang pader na kahit na ika’y

magta-tumbling, ay patuloy kang sasaktan kahit ‘di nito kagustuhan.

Advertisements