Tags

, , ,

 

Minsan isang gabi nang matapos ang aking trabaho ay napagpasyahan ko munang mamasyal. Isang bagay na madalang ko nang magawa simula nang maging regular ako sa aming kompanya. Simula nang ako’y kumita nang pera, linggo-linggo ay laman ako nang mga mall at mga bar. At kahit pa ang pera’ng aking sinusweldo ay para lamang sa aking sarili, napag-isipan ko na din namang huminto muna sa patuloy na paggastos.

Ngunit ang pamamasyal kong ito ay maiiba sa aking karaniwang ginagawa. Ngayon ay sa luneta ko napiling pumunta. Libre at hindi ko kailangang maglabas nang pera, maliban na lamang sa mga manlilimos sa akin sa daan. Maganda sa gabi ang paligid, siguro ay dahil naiiwasan mo’ng makita ang mga bagay na hindi kaaya-aya sa umaga. Ang mga kahel na ilaw naman sa paligid ay tila ba nagbibigay nang kanilang pakikiramay sa lungkot na hindi ko naman malaman kung saan nanggagaling.

Sa kalalakad ko ay dinala ako nang aking mga paa sa Baywalk. Mukhang malayo kung titingnan ngunit ni hindi ako nakaramdam nang pagod sa haba nang aking nilakad.

Umupo ako sa mga nagkalat na sementong upuan sa tapat nang Manila Bay at naisipan ko munang magpahinga. Kahit pa hindi ako nakaramdam nang pagod ay alam ko’ng kakailanganin ko din naman ito.

Kinuha ko mula sa aking dalang bag ang bagong bili kong walkman mula sa nakaraan kong sweldo. Pinihit ito at nakinig sa ibat-ibang stasyon. Malalim na ang gabi nang maisip kong tumungo na pauwi. Hindi pa ako nakaaalis sa aking kinauupuan nang may kumuha nang aking atensyon.

“Pssst…uuwi ka na ba?”

Nilingon ko ang tinig na alam kong pagaari nang isang babae.

“Huh?…”

Ang sabi ko. Nakita ko itong tumabi sa akin at nagsabing…

“Uuwi ka na?…huwag muna…”

Napaupo tuloy akong muli. Mga ilang segundo din naka-bibingi ang aming katahimikan. Hindi ko pa nakikita nang mabutihan ang kanyang mukha dahil na rin siguro sa dilim at dahil nahihiya din akong humarap sa kanya. Kita ko sa gilid nang aking mga mata na nakatingin sya sa akin. At sya na mismo ang naunang magingay.

“Saan tayo?…”

Tanong nang babae sa akin. Nagulat naman ako sa kanyang tinuwiran at dineretso ko na din ang tingin sa kanya.

“Ah, e’…hindi naman ako nag-hahanap nang aliw…”

Matapos kong sabihin sa kanya ito ay marahan nya lamang akong tiningnan. Ilang segundo din kaming ganito. At sabay kaming tumawa nang malakas.

“Hahaha!”

“Hahaha!!”

At tumigil din nang sabay.

“O’ bakit ka tumawa?…gaya-gaya ka a’…”

Tanong nya sa akin.

“E’ tumawa ka kaya…”

“Hmm…”

Ang tangi nya lamang naisagot, na hindi pa ako sigurado kung nagtatanong ba ito o para lang mayroon syang masabi.

“O’ sige uuna na ako…”

Alam ko namang hindi ito ang gusto kong sabihin ngunit ito ang lumabas sa aking bibig.

“Okay…”

Sagot nya.

Inaakala ko namang pipigilan nya ako ngunit hindi ko iyon inasahan. Kung titingnan syang maigi, hindi mo aakalaing nagbebenta ito nang aliw. At kung hindi din ganoon ang binati nya sa akin, malamang ay napag-kamalan ko din itong namamasyal lamang katulad nang ginagawa ko ngayon. At kapag inaayusan lamang sya nang mabuti ay malalampasan nya ang ganda nang aking mga kaopisina.

“Ah’ teka…pwede ka bang makausap lang…kahit sandali?…”

Pahabol ko na lamang dito.

“Oo’ naman, may lang ka pa…alam kong alam mo ang trabaho ko pero, pasensya ka na at hindi kita type…”

Pareho kaming natigilan sa kanyang sinabi at…

“At ayun nga…ikaw lang e’…uuwi ka na agad kamo…”

Pahabol nya. Siguro ay pambawi na din sa pagpapahiyaa nya sa akin. Ngumiti ako sa kanya .Patuloy ang aming kwentuhan na hindi ko naman namalayan na dalawang oras na pala ang lumilipas at lumipas na ang hating gabi. Isa daw syang sales lady sa umaga. Lumuwas sya nang maynila mula sa kanilang probinsya dahil sa kahirapan. At dahil sa napakaganda nang pangakong naririnig nya tungkol sa syudad ay hindi na sya nagdalawang isip na subukan ang kapalaran nya dito.

Labing-isang taong gulang daw sya ng mapadpad dito at sumakay lamang sa isang jeep nang mga prutas na papuntang maynila. Ngayon ay labingsyam na taon na ito, isang taon ang tanda ko sa kanya.

Inaamin nyang hindi nya talaga gusto ang kanyang trabaho sa gabi. Ngunit wala syang ibang magagawa dahil hindi rin naman daw sya nakapagtapos nang kanyang pag-aaral. Lumipas pa ang mga araw at nag-patuloy ang ganito naming gawain. Matapos ang aking trabaho ay sa mismong upuan kung saan kami unang nagkita sa tapat ng manila bay ako dumideretso. At bawat araw na nakikita ko ito ay lalo syang gumaganda. Naikwento nya din minsan sa akin na balak nya na daw itigil ang trabaho nya sa gabi na akin naman talagang ikinatuwa.

Bago pa daw kami unang magkita ay ilang araw na ang nakalilipas nang simulan nyang itigil ang gawain.

Naramdaman ko na lamang na palaging sya ang aking hinahanap sa araw-araw  at tila ba lagi kong inaasahan ang aming madalas na pagkikita. Bago ako pumunta sa aming usapan ay dumaan muna ako sa isang tindahan nang damit at ibinili ko sya nang bistidang kulay asul na tingin ko naman ay talagang babagay sa kanya. Matapos ko itong bilhin ay agad na akong nagtungo sa lugar kung saan kami madalas magkita.

Ang maliit na tindahan nang isang matanda na tinuturing nya nang ina ang nagsilbing tagapaghatid namin nang mensahe sa isat-isa kung sakaling may mahuli sa aming usapan. At dahil doon din naman kami magkikita ay tinungo ko na agad si lola. Namataan ko itong nasa labas nang kanyang maliit na tindahan at tila ba nakayuko.

“Nay…kamusta na po kayo?…”

Tanong ko sa kanya.

“Ay oo’ nga po pala…para sa inyo po ito…”

Hindi na ako nahiya pa at kumuha na ako nang plato sa kanyang tindahan at mabilis na isinalin dito ang dala kong pagkain.

“Teka po…”

Sambit ko habang inaayos ang pagkain para sa matanda.

“Si Jenni po ba, dumating na?…”

Pahabol ko dito.

Hindi na umimik ang matanda. Matapos ang aking ginagawa ay mabilis ko nang nilapitan ang matanda na nakatalikod sa akin.

“’Nay?…”

Pagharap ko dito ay mabilis ngang tumutulo ang luha sa mga mata nito na sya naman din’g mabilis nyang pinapahid nang tuwalya sa kanyang balikat.

“O’ ano po ang nangyari?…bakit po kayo umiiyak?…”

Napansin ko din’g may bukol ito sa noo.

“Ano po ang nangyari dyan sa noo nyo nay!?…Bakit po kayo may bukol!?…”

Bahagyang napataas ang aking boses sa gulat dahil sa nakita sa kaawaawang  kalagayan ng matanda. Humikbi-hikba muna ito bago nakasagot ng mabuti sa akin.

“Si Jenni kasi…si Jenni…patay na…kahapon.”

“Huh…teka po…biro lang ba yan ‘nay?…”

Nanghina ako ng marinig ko ito at tila ba gusto kong magwala. Ayokong maniwala. Dahil hindi ko alam ang aking gagawin kung totoo man ito. Patuloy naman sa pagluha ang matanda at tila ba lalo pang lumakas ang kaninang pigil na pagiyak.

“Nay! ano po ang nangyari kay Jenni! sabihin nyo na po…sabihin nyo po…ahuhuh…si Jenni…”

Unti-unting tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Hanggang sa mabilis ng umagos ang mga ito kasabay ng aking pagwawala. Hanggang sa mapahiga na ako sa lupa. Ang matanda naman ay inalalayan ako ng mabuti at patuloy ang pagtapik sa aking balikat.

Matapos daw ang trabaho ni Jenni kahapon bilang saleslady ay agad na itong dumaan sa matanda upang tulungan ito sa pagtitinda.

Nang mag-sara na sila nang tindahan ay siniguro muna ni Jenni na nakapasok na ang matanda bago ito tuluyang umalis. Ngunit hindi pa daw nakakalayo si Jenni nang marinig nang matanda na sumisigaw ito. Kaya dali-dali muli itong lumabas upang tingan kung ano ang nangyayari. At nakita daw nang matanda ang lalaking matagal nang nanggugulo sa babae na minsan nitong sinaktan dahil sa pamimilit sa isang bagay na labag sa kanyang kagustuhan. Nang makita ito nang matanda ay agad daw itong nagbalik sa kanyang tindahan upang makakuha ng ipang lalaban dito.

Dali-dali ay mabilis itong lumabas at agad na pinag-papalo sa likod ang lalaking nanggugulo. Tila ba hindi ito nasaktan at humarap sa matanda. Kinuhang agad nang lalaki ang hawak nyang dospordos at maswerte pa rin naman daw at bukol lamang ang kanyang tinamo. Ito din marahil ay dahil sa ginawang pagbato ni Jenni sa lalaki kaya iyon lamang ang natamo nang matanda.

Ang sumunod daw na pangyayari ay ikinagulat na nang matanda dahil nang muling harapin nang lalaki si Jenni ay agad nya itong sinaksak. Lagpas alas-dose na daw nang gabi nang mangyari iyon kaya wala na ring masyadong tao ang nakapansin at mahihingan nang tulong.

Naupo na lamang akong magdamag sa tapat nang dagat at pinagmasdan ang papalubog nang araw. Mahigpit kong kinapitan ang regalo sa napakaliit nitong lalagyan na dapat sanay ibibigay  ko kay Jenni bago lumubog ang araw.  Singsing kasama nang pagtatapat ko sa aking nararamdaman. Kinuha ko mula sa aking bag ang binili kong damit para sa kanya ngunit natigilan ako sa biglang iniabot nang matanda sa akin na kanina pa pala nasa aking likuran.

“Iniisip ko’ng palipasin muna ang iyong nararamdaman bago ko ito sa’yo ibigay ngunit alam kong mahal mo talaga sya at ang kanya lamang pagkaligtas ang iyong kasiyahan…”

Nilingon ko ito at iniabot nang matanda sa akin ang isang papel na tila kailangan kong buksan. Dahan-dahan ko itong binuksan at nang makita ko ang nilalaman ay unti-unti na namang tumulo ang mga luha sa paga ko nang mga mata. Sa pagkakataong ito ay lalo pa akong nangulila sa kanya.

“Bestfriend, walang iwanan ah’…”

“Oo naman, kaw pa. ‘di ba?…”

“Ang pumutol sa pangako! tutusukin nang pako!…”

“Ang pumutol sa pangako!! tutusukin nang pako!!…”

“Hahaha!”

“Hahaha!!”

Ang kalungkutang matagal ko nang dinadala, tila ba alam ko na ang kasagutan.

“Bestfriend!! hu-hu!…asan ka na!!?…hindi ka tumupad sa usapan natin!…same-same di ba?…pareho tayo sa lahat…sa pangarap at sabi ko paglaki ko pakakasalan kita!…Same-same di ba?…hmmp…”

Nagtataguan tayo noon. Hanggang sa maguwian na ang lahat, di ka pa din nagpapakita. Nakita namin ang tsinelas mo sa may tulay at inisip na lang ng lahat na patay ka na. Pero ako, hindi ako naniwala. Dahil alam kong tutupad ka sa pangako natin sa isat-isa.

Same-same di ba?

“Basta ako paglaki ko…pupunta ako nang maynila!…magpapayaman ako…”

“Hala…kasama ba ako bestfriend?…”

“Oo naman, kung nasaan ka e’ doon din ako.”

“Yes…yipee…habulin mo ko!…”

Mabuti kong pinagmasdan ang ibinigay sa akin nang matanda. Lumang litrato naming dalawa nung mga bata pa kami. Jenni ngayon na kilala ko bilang Jill noon. Mag-kaakbay at nakangiti at parehong masaya. Marahan kong binuklat ang papel at binasa ang naka-sulat dito.

“Tumupad ako sa pangako ko sa’yo. Siguro naman alam mo na kung sino ako dahil sa litrato. At isa pa, may gusto sana akong sabihin sayo…”

Pinagmasdan kong muli ang kanyang mukha sa aming  litrato at matapos nito ay tiningnan ang likod nito.

“Mahal kita. Same-same ba?”

Advertisements