Tags

, ,

kaya kong saluhin ang lahat,

gamit ang aking puso.

lahat ay kayang tiisin,

magawa mo lang akong mahalin.

hindi ako makikipagtalo,

upang maging tama sa kamalayan mo.

palaging o-oo sa iyong sasabihin,

at wala ng pakialam kung tapat ka ba sa akin.

ayos na sa aking palagi akong mali,

huwag ka lang magkakamaling sa iba ay pumili.

tanggap ko na noon pa na ganito lamang talaga,

halaga ko sayo’y di na aahon pa.

buksan mo at biyakin ang aking dibdib,

puso ko’y dukutin at hiwahiwain.

subukan mo itong tikman upang malaman ang pagdurusa,

sa sobrang pait ay kailangan mo ng sarsa.

dahil sa ito ay mapait at ito ang aking puso.

Advertisements