Tags

, ,

Gusto kong isigaw sa buong mundo

na ikaw ay palaging kasama ko,

Ipagmalaki na akin ka at ako ay para lang sa’yo.

Subalit naiiba raw tayo sa kanilang paningin,

Dahil sa nagawa nating mahalin ang kaibahan natin.

Hindi natin nakikitang ito ay imposible,

Pero sa kanilang paningin, kahulugan nito’y doble.

Ano man ang isipin ay hindi na mahalaga,

Sapagkat ramdam at yakap naman natin ang bawat-isa.

Kung magkakaroon ako ng tinig

upang masabi sa kanila,

Na tayo’y tulad nila, nakararamdam rin ng saya.

Pero wala akong boses at ika’y walang tinig,

Kaya naman tago kung anong ating hilig.

Magkaroon man ng pagtatalik ang ating mga sarili,

Wala tayong salita upang ito ay masabi.

(wala ring bunga kung ito ay mangyari)

Dahil sa makita man nilang nakatayo lamang tayo,

Ngunit patuloy na sumasayaw ang ating mga anino.

Advertisements